Madaling araw nito lang Lunes, hindi na accessible ang YouTube channel ng TAPE Inc. na pinag-a-uploadan ng mga portion ng revamped Eat Bulaga.
Mukhang pinagtripan na naman ng mga toxic basher ang bagong channel ng TAPE Inc sa YouTube.
Kawawa naman ang social media manager ng TAPE dahil mababawasan na naman ang trabaho dahil sa kawalang-hiyaan ng mga galit na galit sa Eat Bulaga.
Sa tingin ko ay mas malalim pa ang dahilan kung bakit ayaw nilang makapasok ang TAPE Inc sa YouTube.
Mayroon kasing mahigit 21K na videos ang uploaded sa dating "Eat Bulaga! channel" na minamanage ng mga tao ng TVJ.
Passive income na 'yun para sa kanila. Patuloy silang kumikita sa mga lumang videos na pag-aari ng TAPE Inc. sa YouTube.
Kaya ito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit pilit na ipinaglalaban ng kampo nila na sa kanila ang copyright ng show, dahil kapag matalo sila, kailangan nilang burahin lahat ng 21K videos sa kanilang YouTube channel.
Samantala, mukhang kaya ayaw nilang makapasok ang TAPE sa YouTube ay dahil nagiging suggested ang mga videos ng bagong henerasyon ng Eat Bulaga.
Kaka-upload pa lang kasi ng mga videos, umaani na kaagad ang mga ito ng libu-libong views.
Comments
Post a Comment