Sinabi ni Attorney Nick Nangit, legal counsel ng naghahabla na si Mark Christian Ravana, na ang kanilang mga inihaing kaso ay para light threat, grave coercion, at ang paglabag sa Section 11(c) na may kaugnay sa Section 11(a) ng Safe Space Act.
Nakapaloob sa Section 11 ang mga pagpapatupad tungkol sa gender-based sexual harassment sa mga lansangan at pampublikong lugar.
Kumpiyansado silang malakas ang kanilang kaso laban sa dating child star.
“You know the CCTV (closed-circuit television camera), kumakalat ‘yan diba?
“So hinahawak-hawak siya, so there’s a violation of the private space,” ani Nangit nang makapanayam siya ng mga reporter sa isang ambush interview.
“And then the second, pinasarado niya ‘yung pintuan ng third floor.
“Hindi puwedeng bumababa because hindi siya naghuhubad. So, that is already life threats.
“And then the third, nung hinila siya pabalik, nahulog sila pareho, grave coercion,” dagdag pa niya.
Not settled yet
Itinanggi ni Ravana ang mga ulat na nakipag-ayos na sila, at sinabi pang wala umanong lumapit sa kaniya mula sa kampo ni Briguela.
Gayunpaman, sinabi niyang bukas siya sa pakikipag-ayos.
“Willing naman po kami pero sa ngayon na parang kami pa po yung— kami na nga po yung biktima, kami pa po yung talagang na dedehado dito sa pangyayaring ito,” pahayag ni Ravana.
“Pero tignan na lang po natin,” dagdag pa ni Ravana.
June 29 incident
Nakipag-away si Briguela sa grupo ni Ravana sa Bolthole Bar sa Poblacion sa Makati City noong Hunyo 29.
Nagsimula ito nang tinukso ng grupo ni Briguela si Ravana na alisin ang kanyang shirt, pero tumanggi ang binata.
Sinampahan ng slight physical injury at simple disobedience ang TV5 star matapos tumangging kumalma sa kabila ng pag-aksyon ng mga pulis na rumesponde sa pinangyarihan ng insidente.
Iginiit ng kampo ni Briguela na nagsimula ang alitan nang ipagtanggol niya ang kaniyang kaibigan, na diumano ay sekswal na hinarass ng isa sa mga kaibigan ni Ravana.
Nakalaya si Briguela matapos makapagpiyansa.
Comments
Post a Comment