24 Oras, most watched TV program sa bansa!

Wala pang isang taon matapos i-relaunch bilang dynamic multi-platform at mega news organization, pinatunayan ng GMA Integrated News na ito ang 'News Authority ng Filipino.'

Patuloy ang flagship newscast nito, ang 24 Oras, bilang viewers' choice para sa mga pinakabagong balita, breaking stories, maging mga pinakamalalaking pangyayari dito at sa labas ng bansa.

Ayon sa datos mula sa Nielsen TV Audience Measurement, makikitang ang 24 Oras pa rin ang most watched TV program mula January 1 hanggang July 31, 2023 sa Total Philippines (pinagsamang Urban at Rural). Naitala nito ang combined (GMA/GTV/IHM) people rating na 14.9 percent.

Pinangungunahan ng mga news anchor na sina Mel Tiangco, Vicky Morales, at Emil Sumangil, patuloy ang 24 Oras na pinaninindigan ang mga prinsipyo ng pamamahayag at paghahatid ng totoo, balanse, at maaasahang balita at impormasyon, maging ang hindi matatawarang serbisyong publiko sa mga Pilipino saan man silang panig ng mundo.

Inaabangan din ng viewers sa 24 Oras ang mga pinakabagong entertainment news and updates sa segment na "Chika Minute" na hino-host ni Iya Villana-Arellano.

Kinaaaliwan din ng mga manonood ang pagtuklas ng mga bagong kaalaman at mga kwento sa likod ng mga phenomena kasama si Kuya Kim Atienza sa trivia segment na "#KuyaKimAnoNa."

Sa paglunsad ng "GMA Integrated News Weather Center" ng GMA Integrated News, ipinakilala ng 24 Oras si Maureen Schrijvers bilang weather presenter para maghatid ng mga weather news and updates gabi-gabi.

Patuloy rin ang pag-evolve ng 24 Oras sa kabila ng maraming pagbabago sa landscape ng journalism at news consumption.

Nito lang kasisimula ng buwan, inilunsad ang pinakabago nitong segment na "Game Changer" na pinangungunahan naman ni GMA Synergy sportscaster Martin Javier kung saan pini-feature ang mga pinakabagong trends at new discoveries sa fitness, lifestyle, technology, at iba pang makakapagpabago sa pang-araw-araw nating pamumuhay.

Samantala, sina Ivan Mayrina at Pia Arcangel naman ang news anchor ng 24 Oras Weekend na umeere tuwing Sabado at Linggo.

Award-winning News Presenters

Sa listahan ng GMA Integrated News ng mga premyadong anchor at reporter, ang 24 Oras at 24 Oras Weekend ay humahatak din ng mga manonood upang maging inspired, maantig, at makibahagi sa lipunan sa pamamagitan ng iba't ibang feature story at mga special news.

Ilan sa mga kuwentong ito ay kinabibilangan ng mga paglalantad sa diumano'y pagpatay sa mga high-profile inmates sa Bilibid gayundin ang special series na "Banta ng Nagbabagong Klima" (The Climate Change Threat Series).

Noong Hulyo, ang GMA Integrated News ay ginawaran ng “Pambansang Balita Award” sa Hiraya Awards 2023 para sa naturang serye tungkol sa climate change. Binibigyang-liwanag ng “Banta ng Nagbabagong Klima” ang epekto ng matinding lagay ng panahon, deforestation, at displacement ng mga komunidad.

Sa 2023 Platinum Stallion National Media Awards, nanalo ang 24 Oras ng “Best TV News Program,” kung saan naiuwi ni Vicky Morales ang “Female News Anchor of the Year” award.

Samantala, iginawad kay Mel Tiangco ang “Gandingan ng Kababaihan” sa 17th UP BroadSoc Gandingan Awards. Nakatanggap din siya ng "JPL Lifetime Achievement Award" sa The Golden Laurel: The Batangas Province Media Awards 2023.

Iniuwi rin ng GMA Integrated News ang “Journalism of the Year for TV News Reporting” sa Rotary Club of Manila’s Pro Patria Journalism Awards ngayong taon.

Abangan ang 24 Oras tuwing linggo ng 6:30 p.m. at 24 Oras Weekend tuwing weekend sa 5:30 p.m. sa GMA na may simulcast sa GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.

Comments