Sigurado ay miss na miss na ng mga fans ang beteranong host na si Willie Revillame dahil matagal-tagal na rin nang huling mapanood ang kaniyang programang 'Wowowin' sa telebisyon.
Pebrero noong nakaraang taon nang umalis sa GMA-7 ang programa ni Kuya Wil at lumipat sa AllTV Channel 2 noong ika-13 ng Setyembre. Nagpaalam naman ito sa ere noong ika-5 ng Abril.Maraming manood ang hindi naramdaman ang kaniyang programa sa bagong Channel 2.
Dahil sa hindi pagkaka-renew sa prangkisa ng ABS-CBN, naging full-pledged content provider na ito sa mga television network sa Pilipinas tulad ng TV5, A2Z, maging sa GMA at GTV.
Dahil dito, punung-puno na rin ang programs schedule ng mga network kaya malamang ay nahihirapan si Kuya Wil na makahanap ng timeslot.
Naging usap-usapan rin sa social media na diumano'y nakipag-usap si Kuya Wil sa mga Jalosjos upang bumili ng kapirasong airtime sa GMA-7, ngunit wala nang balitang lumabas tungkol dito.
Ang Jalosjos family ang may-ari ng production company na Television and Production Exponents (TAPE) Inc., na producer ng longest-running noontime show na 'Eat Bulaga!'
Nito lamang hapon, namataan si Kuya Wil sa bakuran ng People's Television Network (PTV) Channel 4, na maaaring hudyat na nakikipag-usap ang beteranong host sa network upang maging bagong tahanan ng kaniyang programa.
Sa Facebook post ni PTV news anchor Diane Querrer, sinagot ni Querrer ang mga nagtatanong kung lilipat na ba sa Channel 4 si Kuya Wil, at sinagot niya ito ng praying emoji.Mukhang hindi pa 'done deal' ang paglipat ni Kuya Wil sa PTV pero malaki ang posibilidad nito.
Kung magkataon na sa noontime rin ito ilagay, talaga namang buhay na buhay na ang pananghalian ng mga Pinoy. May 'Wowowin' sa PTV, may 'E.A.T.' sa TV5, may 'Eat Bulaga!' sa GMA-7, at 'It's Showtime' sa A2Z at GTV.
Comments
Post a Comment