TVJ versus TAPE and GMA (Part 2)


Ngayong araw ang ikalawang pagdinig para sa pagpapatuloy ng pagpapakita ng mga ebidensya mula sa panig ng mga plaintiff na sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, at Jeny Ferre.

Ang mga pagdinig na ito ay para sa issuance of writ of injunction ng isinampang "copyright infringement" at "unfair competition" laban sa Television and Production Exponents (TAPE) Incorporated at GMA Network.

Side pa rin ng mga plaintiff ang magpe-present ng witness kaya naman wala pang testigo mula sa panig ng mga defendant ang dumalo sa pagdinig.

Ipinatawag ng Divina Law sa witness stand si former Senate President Tito Sotto bilang sunod na witness sa panig ng mga plaintiff.

Inalmahan naman ito ng abogado ng TAPE Inc. na si Atty. Maggie Abraham-Garduque at abogado ng GMA Network na si Atty. Eric Vincent Estoesta.

Anila, hindi pa maaaring humarap sa witness stand si Sotto dahil wala siyang judicial affidavit.

Ayon sa mga abogado ng mga defendant, ipinag-utos ng korte noong July 14, 2023 na magsumite ang magkabilang partido ng judicial affidavit para sa bawat testigo 3 araw bago ang unang hearing noong July 27.

Kung hindi, ang testimonya ng mga testigo na nabigong magpasa ng kanilang joint affidavit sa oras ay ituturing na WAIVED.

Samantala, pinagbigyan naman ng korte ang presentation ni Sotto at binigyan siya ng palugit na tatlong araw para magpasa ng kaniyang joint affidavit at pinagmulta ng P5,000.00. Kung hindi ay hindi siya papayagang tumestigo.

Hindi sumipot si Jeny Ferre, ang inaasahang testigong haharap dapat sa witness stand kanina.

Inusog ng korte ang presentasyon ni Sotto bilang witness sa August 11, 2023 at si Ferre naman ang magpe-present sa August 25, 2023.

Comments