GMA Network, may 101 stations na nationwide!

Mas lalo pang pinalawak ng GMA Network ang reach nito sa buong Pilipinas, na nagbibigay ng walang kapantay na viewing experience para sa mga Pilipino sa pamamagitan ng 101 na istasyon nito sa buong bansa.

Maliban sa 79 analog broadcast stations, meron na ring 22 digital TV broadcast stations, na kinabibilangan ng pinakabago nitong DTT stations sa San Pablo, Laguna. Sa kabuuan ay mayroon nang pinagsamang analog at digital TV transmitter stations na umabot na sa 101.

Dahil dito, mas lalo pang nae-enjoy ng Kapuso viewers ang mas malinaw at mas makulay na TV viewing experience sa pamamagitan naman ng digital receivers ng Network, ang GMA Affordabox at GMA Now.

Sa unang bahagi ng taong ito, inilunsad ng GMA Network, sa pamamagitan ng reginal arm nito na GMA Regional TV, ang GMA Ilocos Norte station – ang ika-12 na regional station nito sa kasalukuyan.

Available na rin sa widescreen format ang lahat ng GMA shows. Dahil dito mas malawak na ang nakikita sa screen ng mga napapanood nating Kapuso program.

Nasa 16:9 widescreen format na ang GMA at GTV, gayundin ang mga digital channels na Heart of Asia, Hallypop, I Heart Movies, at Pinoy Hits.

Ang mga pinakabagong development na ito ay umaakma sa mga makabagong palabas ng GMA-7, na kinabibilangan ng mga primetime hits na "Voltes V: Legacy," "Royal Blood," at "Unbreak My Heart," at iba pang Kapuso shows na dapat abangan.

Comments