Twenty eight years na ang partnership ng Television and Production Exponents (TAPE) Incorporated at GMA Network na nagsimula pa noong 1995. Ang GMA-7 ang pinakamatagal na naging tahanan ng TAPE Inc. at ng noontime show nito na "Eat Bulaga!".
Noong 1978, naging magkasosyo sa negosyo ang batikang sportscaster na si Dick Ildefonso at Romeo Jalosjos. Itinatag nila ang Production Specialists Incorporated.
Naisipan ni Jalosjos na gumawa ng isang noontime show para mas maging financially stable ang kumpanya.
Ipinasok ni Ildefonso si Tony Tuviera sa kumpanya dahil noong panahong iyon ay walang trabaho si Tuviera at handang magtrabaho para sa monthly salary na P2,000. Malaking halaga ang P2,000 noong panahong iyon, katumbas iyon ng P54,230 sa pera natin ngayon.
Niligawan ni Tuviera ang Iskul Bukol lead stars na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, o mas kilala natin ngayong TVJ, na noong panahong iyon ay unti-unti nang gumagawa ng pangalan sa industriya.
Kapag may absent noon sa GMA-7 noontime show na Student Canteen, ang trio ang madalas na nagiging substitute.
Ayon kay Tuviera, ilang beses niyang kinausap ang TVJ para sumali sa noontime show na ipoprodyus nina Jalosjos at Ildefonso.
Sa isang panayam naman kay De Leon, sinabi niyang nilihim nila noon ang transaksyon nila sa PSI kay Bobby Ledesma, isa sa mga host ng Student Canteen. Tuwing tinatanong ang TVJ tungkol sa natatanggap nilang balita, itinatanggi lang ito ng trio.
Kalaunan ay tinanggap ng TVJ ang offer ng Production Specialists at iniwan ang Student Canteen.
Binigyan ng PSI ng creative freedom ang mga empleyado nila para mas mapaganda ang palabas.
Umere ang Eat Bulaga! sa RPN-9 ng 10 years, mula 1979 hanggang 1989.
Lumipat ang TAPE Inc. sa ABS-CBN noong 1989 bitbit ang mga programa nito, kabilang na ang Eat Bulaga!
6 years lang ang itinagal ng TAPE Inc. sa ABS-CBN dahil mas prayoridad na noon ng ABS-CBN na mag-produce ng sarili nilang show.
Noong January 19, 1995, pumirma ng blocktime agreement ang TAPE Inc. sa GMA Network na ginanap sa Makati Shangri-La.Pumirma ang TAPE Inc. executives na sina Romeo Jalosjos, Tony Tuviera, then GMA Network president Menardo Jimenez kasama ang mga executive ng Channel 7 na sina Bobby Barreiro at Antonio Seva.
Kasama nila ang ilang cast members ng Eat Bulaga! na sina Christine Jacob, Jimmy Santos, Ruby Rodriguez, Joey de Leon, Vic Sotto, at Tito Sotto.
Comments
Post a Comment